Ibang klase ang hubog ng Soksay, ng pagiging UP.
Sol Lazo, Graduated 2018
BA in Social Sciences (Major in Economics, Minor in Psychology)
Hindi ko makakalimutan talaga ang madaming readings as a Soksay student. Tapos kapag exam sa Soc Sci 101, Econ, at Psych, may times na tunog lang ng calculator ang umaalingangaw sa loob ng apat na sulok para magcompute ng mga datos, at mag-interpret. Grabe apat na taon na pala ang nakalipas pero hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isipan ko ang mga ganaps sa loob ng UPB.
Siguro ang pinakamahalaga na nabaon ko paglabas ng unibersidad ay ang pagkakaroon ng support system. Kasi paglabas mo ng unibersidad, nakakatakot kasi marerealize mo na sobrang laki pala talaga ng mundo, at sobrang dami mong pwedeng puntahan. Hindi na siya kagaya noon na parang may “limitasyon” kasi alam mo kung anong gagawin mo ee – may babasahin kang readings, may quiz ka, o di kaya ay presentation. Pero sa real world, walang ganito. Isa pa siguro natutunan ko ay yung sinabi nila na, “there will always be difficult times but you can always find courage to face these challenges and believe in yourself”. Kailangan mong maniwala sa kung ano ang kaya mo, kung paano ka hinubog ng unibersidad na ito, at kung gaano kalawak ang maiaambag mo sa lipunang ito. At isa pa siguro na gusto ko from Doc J, “a life lived with others is a life worth living”.
The best advice nalang siguro is pursue what they want, kung ano ang sa tingin nila ang mamahalin nilang trabaho. Kasi ibang klase ang intrinsic motivation kapag pumapasok ka na mahal mo ang trabaho mo. At kung sakaling hindi mo pa nahahanap iyon, o kung pumasok ka sa isang trabaho na kinalaunan ay ayaw mo na, wag kang matakot na umalis at sumubok ng iba. Parang soul-searching ulit yan. Apply ka lang nang apply, matututo ka sa mga ganung klaseng ganap sa buhay. Sabi sa akin ni Mam Maan noong panahong hindi ko pa alam ang gagawin ko sa buhay, sumubok lang akong mag-gain ng experiences kasi ibang-iba ang outside world kumpara sa loob ng unibersidad. Humugot ako ng lakas ng loob at maging open ulit sa mga bagong matututunan ko sa labas. Mag-apply lang at sumagot kung saan ka komportable. At noong takot mag-apply sa master’s ko sa Statistics, siya ang isa sa mga nagsagot ng recommendation letter ko, at sabi niya na kaya ko raw ito, kailangan ko lang magtiwala sa aking sarili.